Ngayong araw na ito, ginugunita natin ang katapangan ng mga sundalo na nakipaglaban at nagsakripisyo para sa bayan noong Ikalawang Digmang Pandaigdig. Prinotektahan ng mga sundalo ang Corregidor, na ginawang depensa para hindi agad masakop ang Maynila.
Hindi man nagtagumpay sa huli, kahanga-hanga ang mga sundalong ito. Ilan sa kanila ay mga reservists o volunteers lamang na nag-training nang sandali para tumugon sa panawagan ng paglilingkod sa bayan.
Bukod sa paggunita sa mahalagang kasaysayan na ito ng ating Bansa, nawa ay magbigay din ito ng inspirasyon sa atin para maging magiting din tayo sa iba’t-ibang simpleng paraan na kaya nating gawin para maipakita ang pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas, ang ating mahal na Bayan!
Magiting ka, Pilipino!
#CEZACares
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.