Tulong-tulong ang CEZA, Pax Asia Information Corporation (PAIC), at iba’t ibang civic at private organizations sa pagsasaayos ng Palaui Integrated School sa Sta. Ana, Cagayan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase.
Nag-repaint ng mga upuan at mesa, naglinis ng silid-aralan, at nagkumpuni ng sirang gamit ang mga volunteer mula sa CEZA at PAIC. Bukod pa rito, namigay rin sila ng school supplies sa halos 200 estudyante. Isa itong konkretong hakbang para matulungan ang mga batang Cagayano sa kanilang pag-aaral.
Ang ganitong mga gawain ay bahagi ng patuloy na malasakit ng CEZA sa mga komunidad sa loob ng Cagayan Freeport. Lagi nitong kaisa ang PAIC at iba pang mga locators sa mga community programs tulad ng relief operations at gift-giving lalo na para sa mga Indigenous People (IP) sa loob ng Freeport. Sama-sama para sa edukasyon, para sa komunidad, at para sa kinabukasan.
#CEZACares #SaCEZAKabahagiKa #BalikEskwela2025 #BrigadaEskwela #ParaSaBataParaSaBayan #CagayanFreeport #CommunityFirst #PublicServiceInAction #EducationForAll #CEZAPilipinasPhoto
Credit to: Pax Asia Information Corporation
Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.